Viral delivery guy, NAGSALITA na tungkol sa pagpapakalat umano niya ng vîrus sa parcel.



Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na larawan ng isang delivery guy na hinihinalang nagkakalat ng vîrus sa pamamagitan ng pagdila o pagdura sa mga parcels. Dahil dito, maraming tao ang lubos na nagulat at nagalit matapos makita ang mga larawan ng delivery guy na ito.


Agad na kumalat ang mga larawan at screenshots na ito sa social media at kaagad itong nakarating sa mismong delivery guy.


Sa Facebook post ni Justine Rainer Israel, ang delivery guy, nagpaliwanag siya tungkol sa mga larawang kumakalat.

Sinabi niyang idinikit niya sa kanyang mukha ang parcel ngunit hindi naman daw niya ito dinilaan o dinuraan. Paliwanag niya, ginawa niya lamang ito para takpan ang kanyang mukha sa init ng araw.



Kwento pa niya, mahigit 30mins raw siyang naghihintay sa taong nag-order para ma-deliver niya ang item. Sa sobrang tagal daw ay nagpahinga muna siya at ginamit ang item upang ipanangga sa init ng araw.

“hawak ko ang item nyo tinaklob ko sa muka ko para masangga ang init na kinakaharap ko para sa inyo mga buyer na sobrang tagal lumabas ng bahay,” ayon kay Justine.



Dagdag pa niya, hindi naman daw siya nasisiraan ng ulo para gawin ang ibinibintang sa kanya. 

“PORKET BA WALA KAMING PERA KAYO MAYAMAN GENYAN GAGAWIN NYO SA TULAD NAMIN NAG HAHANAP BUHAY.” sabi ni Justine.

Narito ang kanyang buong post:

“Ako po yun nasa pic, dinikit ko muka ko oo pero hindi ko naman dinilaan o dinuraan yang item o parcel nyo porket mayaman kayo mahirap kami genyan gagayin nyo post nyo kami may makita kayo kala nyo mali mahigit 20 to 30 mins ako nag aantay sa gate nyo sa ayala alabang sa gitna ng init umupo ako dahil nakakapang hina mag antay sainyong mayayaman para lang madeliver ang item nyo pero bat genyan kayo mapang husga HINDI PA NAMAN PO ATA AKO BALIW PARA GAWIN KO YAN OO NAG TATRABAHO AKO PARA MAKAKAIN NAG TITIIS SA INITAN NAG TITIIS MAGUTOM MA DELIVER LANG ANG ITEM NA KELANGAN NYO DIBAA PORKET BA WALA KAMING PERA KAYO MAYAMAN GENYAN GAGAWIN NYO SA TULAD NAMIN NAG HAHANAP BUHAY. hawak ko ang item nyo tinaklob ko sa muka ko para masangga ang init na kinakaharap ko para sa inyo mga buyer na sobrang tagal lumabas ng bahay. godbless nalang po sainyo kung saan kayo masaya sanaaa hanggang buhay kayo maging masaya”



Umani naman ng simpatya mula sa mga netizens si Justine nang malaman nila ang buong kwento.