Moira Dela Torre naging emosyonal matapos mabasa ang 'PAUBAYA' story ng isang netizen.



Sikat na sikat ngayon ang bagong kanta ng singer na si Moira Dela Torre. Dahil diyo kabi-kabilang kwento na ibinabahagi ng mga netizen sa social media dahil nakaka-relate sila sa hit song nya na 'Paubaya'.


Ngunit sa dami ng karanasan na kumakalat ngayon sa social media, konektado sa mga karanasan ng ilan na pinagdadaanan din sa nasabing kanta, isang netizen na nagngangalang Ameerah ang pumukaw sa atensyon ng sikat na singer.


Dahil sa comment na ito, nagbigay ng isang open letter si Moira sa kanyang Facebook page para kay Ameerah.


Ayon kay Ameerah ang kanyang kwento ng pagpapaubaya ay sa pagitan ng sarili nyang nakababatang kapatid na babae at kanyang ex-fiancé o nobyo na nakatakda sanang ikasal matapos ma-engage dito mula pa noong 2017.


Ayon pa kay Ameerah, nakuha raw nyang magparaya o magpaubaya sa kanyang nakababatang kapatid nang mabuntis ito ng kanyang ex-fiancé na kinalaunan ay kinasal din sa naturang lalaki.

Narito ang open letter ni Moira:


Dearest Ameerah, 

     Hindi ko maimagine kung paano mo dinadala lahat ng to. Ang strong mo. Pero alam ko, di mo ginustong magka rason para maging strong... alam kong ang gusto mo sana makuha mo yung hinintay mo.

     Hindi ko rin alam kung anong purpose ni Lord kung bakit ka napunta ka sa posisyon na yan. Pero may mga gusto akong sabihin sa'yo. 

     Una, hindi ka mali nung humindi ka sa pagtira nila sa isang bubong. At kailangan malaman to ng marami... boundaries are important. Marami akong kilalang mabait, mahal si Lord, maayos sa buhay pero naging unfaithful dahil hindi nirespeto yung boundaries ng partner nila. Hindi mo pagkakamali yon... 


     Pangalawa, just because your past was broken doesn't mean your future will be. Your future is full of HOPE

    At pangatlo, sabi nila negative daw yung pagpapaubaya. Pero ang ibig sabihin ng Paubaya is letting go of what's good so that you can get what is best. And what is best for you is a love that you won't have to doubt. A love you won't have to walk on eggshells with. And a love that you can look in the eye and say, "Ito yung sagot sa mga panalangin ko." Ameerah, you deserve to be loved faithfully. 

    So take all the time you need to heal. You are stronger and braver than you think. ♥️

Love,

Moira


Narito ang kwento ng netizen: