Tekla emosyonal na humarap at sinagot lahat ng mga paratang laban sa kanya.


Ilang araw ding hindi nanahimik si Super Tekla tungkol sa isyung binabato sakanya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Ito ay matapos magreklamo si Michelle sa programang Raffy Tulfo in Action at binulgar niya na hindi raw sila binibigyan ng pera ni Tekla kung hindi ito papayag makipagt*lik sakanya. 

Hindi daw ito makapagbigay ng kanyang side dahil sa contrata nito sa GMA at lagi daw itong nasa taping ayon sa matalik nitong kaibigan na si Donita Nose.

Ngunit ngayong araw, October 22, 2020 nagbigay na ng statement si Tekla tungkol sa mga paratang ni Michelle sakanya sa pamamagitan ng video mula sa GMA.


"Hindi totoo 'yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa 'yan Michelle, utang na loob may anak akong babae Michelle si Aira, may mga kapatid akong babae. Mahirap lang kami Michelle sa bukid alam mo ang background ng family ko." aniya sa interview.


Sa isang panayam, emosyonal na humarap si Tekla at sinagot ang mga paratang laban sa kanya.


"Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle 'yan, usapin ng pamilya 'yan. Isang napakasensitibong usapin 'yan Michelle Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan." ayon kay Tekla.

Ayon kay Tekla, ang isyu ay sensiibo at dapat pinag-uusapan nilang pamilya. Itinanggi din ni Tekla ang mga akusasyon ni Michelle sakanya.


"parte ng pagsasama natin 'yan Michelle na ipinagkakait mo sa akin ginagawa mo akong tanga at timawa d'yan, 'yun ang totoo pero ano'ng ginagawa ko Michelle? Naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh."

Tinanggi din ni Tekla na ginugutom niya ang kanyang pamilya. 

"Hindi ko kayo pinagpagutuman, alam mo 'yan alam n'yo 'yan Shabi, alam n'yo 'yan Enrico lahat. Naglaan pa ko ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic."


Hindi rin daw niya pinababayaan ang kanyang anak. 

Ipinanganak na may anorectal malformation ang anak ni Tekla na si Angelo. Matagumpay namang naoperahan si Baby Angelo dahil na rin sa mga natanggap nilang tulong mula sa mga kasamahan ni Tekla sa industriya.


"Siya ang hindi pumupunta sa ospital. Ako, kani-kanino ako humapit ng tulong para maligtas iyang batang iyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kwento niyan, Michelle."

Itinaggi rin ni Tekla na gumagamit pa siya ng ipinagbabawal na gamot. Handa naman daw si Tekla na dumaan sa drug test para patunayan na wala na siyang bisyo. 

Dagdag pa ni Tekla, nagulat siya na ganito ang gagawin ni Michelle sakanya.


"Michelle karapatan mo 'yun. noong una pa lang, binlock nyo na ko sa Facebook. Wala akong idea nagkalabuan tayo gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsusuksukan 'yung sarili ko sa inyo, Michelle. Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years anim na taon ko kayong inaruga. Six years wasted lahat."

Narito ang ilang comments mula sa mga netizens...




Anong masasabi mo dito? Sino sa tingin mo ang tama at mali dito? Ibahagi niyo lamang ang inyong mga saloobin...