Sarah Wurtzbach, SINIWALAT ang TOTOONG UGALI ng ni Pia Wurtzbach!

 Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan o pag-aaway sa iyong mga kapatid ay hindi maiiwasan sa isang pamilya. Habang tumatanda tayo, nagkakaroon tayo ng isip at sariling pananaw sa mga bagay-bagay. Iba-iba rin ang mga ugali ng mga kapatid natin kaya madalas ay hindi natin ito maiwasang mapagsabihan.

Gaya na lamang ng nangyari sa magkapatid na Alonzo-Wurtzbach na si Sarah Alonzo Wurtzbach  at Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach.


Viral ngayon sa social media sites ang mga Instagram stories ng nakababatang kapatid ni Pia na si Sarah matapos itong maglabas ng saloobin tungkol sa issue nila ni Pia at ng kanyang Ina.


Ayon sa posts ni Sarah, iisa lamang daw siyang kapatid ni Pia ngunit ayaw raw itong suportahan ni Pia at nangdadamay pa umano ito ng ibang tao na hindi naman kasali sa kanilang away. 


Dagdag pa niya, alam daw niya kung gaano kabaho ang ugali ni Pia at ng kanyang Ina. Minura-mura pa ni Sarah ang kapatid niya dahil hindi raw magawa ni Pia na mag-sorry matapos nitong saktan ang feelings ni Sarah.



May trabaho naman daw si Sarah at mayroong dalawang anak. Binanggit din ni Sarah na tuwing bibigyan daw siya ni Pia ng pera ay sasabihin nitong, "grabe noon sweldo ko ng isang buwan to noh.. tapos ngayon barya nalang" (ayon sa post ni sarah).

Gusto lang naman daw ni Sarah ng time at company, bonding kasama si Pia at hindi raw siya mukhang pera dahil kung ganoon man daw ay baka mayaman na raw siya.


Tinutulungan at dinadamayan din daw ni Sarah ang kapatid niyang si Pia sa tuwing umiiyak ito pag nagkakaroon sila ng away ng boyfriend niyang si Jeremy. Ngunit noong siya na daw ang may kaylangan, wala na raw si Pia.


Marami pang family issues ang lumabas matapos itong ibulgar ni Sarah. Narito at basahin ang buong post ni Sarah....




>









Sa ngayon ay wala pang sagot si Pia at ang Ina niya sa isyung ito... 

Narito naman ang ilang comment mula sa mga netizens...







Kayo? Anong masasabi niyo dito? Nagsasabi kaya ng totoo si Sarah? Ganito ba talaga ang ugali ni Pia? Ibahagi niyo lamang ang inyong mga saloobin sa comments...