Mga kaibigan ni Tekla sinabing 'PLANTED' daw ang kuhang video habang nag-aaway sila ng live-in partner nito!

Humaharap ngayon si Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay, sa mga allegasyon sakanya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nagtungo ang live-in partner ni Tekla na si Michelle sa programang Raffy Tulfo in Action at nireklamo nito ang kumidyante na pinipilit umano nito siyang makipagt*lik kahit kakapanganak pa lamang nito at masama ang kanyang pakiramdam. 


Binulgar din niya na gumagawa ito ng kababuyan sa harap ng kanyang anak at pamangkin ni Michelle. Dagdag pa niya, hindi raw siya bibigyan ng pera para pangkain o pang-gastos kung tatanggi itong makipagt*lik.


“Hawak ko po yung anak ko, natutulog po sa tabi tapos kukunin po niya. Magmamasturb*te po sya. Tapos may time po pinapadede ko yung anak ko, dumikit po siya sakin tapos hinawakan niya po yung maselang parte ng katawan ko.

Tinatabig ko po siya, tapos hinayaan ko na lang po siya hanggang sa nag-masturb*te na lang po siya.”


Dahil dito, isa sa pinaka malapit na kaibigan ni Tekla ang nagsalita para sakanya. Sa programang Raffy Tulfo in Action nagbigay ng kanyang pahayag si Donita Nose upang bigyang depensa si Tekla laban sa mga alegasyong ibinabato sa kanya ng kanyang live-in partner na si Michelle.



Sa panayam kay Idol Raffy, sinabi ni Donita na nakita niya ang laki ng pinagbago ni Tekla magmula ng isilang ang kanyang anak. Saksi daw si Donita sa pagwawaksi ni Tekla sa ipinagbabawal na gamot. Ninais daw nito na baguhin ang takbo ng kanyang buhay para sa kanyang anak.




Hindi rin daw totoo ang mga akusasyon ni Michelle tungkol sa pambaboy na ginawa ni Tekla sakanya ayon kay Donita. Dagdag pa niya, imposible daw na gawin ito ni Tekla lalu na at sa harap ng kanilang anak. 


Binulgar din ni Donita na kaya nagkaroon ng komplikasyon ang anak ni Tekla ay dahil gumagamit umano ng bawal na gamot si Michelle habang pinagbubuntis niya ang bata. 



Kinuwesyon din Donita na kung totoo lahat ng allegasyon kay Tekla ay bakit pa raw tumagal ng 6 na taon ang kanilang relasyon.

Sinabi din nito na si Tekla daw ang umamo sa lahat ng obligasyon para sa buong pamilya ni Michelle. Si Tekla daw ang nagbabayad ng upa ng bahay ng mga magulang at kapatid ni Michelle. 


Pinag-aaral din umano ni Tekla ang mga pamangkin ng kinakasama niya kaya malabo daw ang sinasabi ni Michelle na hindi siya binibigyan ni Tekla ng pera pang kain o pang gastos sa loob ng kanilang bahay.


Nagbigay din ng pahayag ang manager ni Tekla at sinabi nito na ang buong pamilya daw ni Michelle ay sa loob ng kwartong may aircon natutulog samantalang si Tekla raw ay sa sala lamang nagpapahinga.

Sinasabi din nila na 'planted' o sinadya ni Michelle na kuhanan ng video si Tekla habang nag-aaway sila.



Sa patuloy na pag init ng usaping ito, sino sa tingin ninyo ang nagsasabi ng katotoohanan? Ibahagi niyo lamang ang inyong mga saloobin...

Narito at panoorin ang interview...