Kaibigan ni Makaganda, nilabas ang baho ni Christian Merck Grey.

 Kung ikaw ay laging nasa social media sites ngayon, malamang ay napadaan na sa iyong news feed ang isyu ng dating vlogger-couple na si Caffey Namindang at Christian Merck Grey na mas kilala bilang MAKAGANDA at MAKAGWAPO o Meffey.


Nagviral ang magkasintahang vlogger na ito matapos ibulgar ni Caffey ang tunay na ugali ni Merck sa pamamagitan ng isang Facebook live.


Sa kaniyan live, sinabi niyang ginamit lamang siya ni Merck para kumita ng pera. Dagdag pa niya, lahat raw ng kanilang mga video at ang kanilang relasyon ay "scripted" lamang. Pinilit din daw siyang magsuot ng mga revealing outfits para magkaroon ng maraming views.


Dagdag pa niya P5,000 lamang daw ang binibigay ni Merck kay Caffey at sa Ina nito kahit pa lagi silang magkasama sa video nila at kahit daw kumikita ito ng maraming pera. 

Lubos naman nagalit ang mga fans at netizens sa ginawang ito ni Merck. Marami ang nagunscribe sa channel nito at sandamak-mak na reaksyon ang natamo nito sa mula sa mga netizens at fans.


Isang kaibigan din ni Caffey ang lumabas at binulgar ang totoong baho ni Christian Merck. Binahagi ni Nina Mellisa Baylon ang mga di magandang ginawa ni Merck sa kaibigan nitong si Caffey. 

Narito ang post niya....







Anong masasabi niyo dito? Ibahagi niyo lamang ang inyong saloobin sa comments...