Buboy handa naman daw tanggapin si Angillyn kung makipagbalikan ito.

Handa daw tanggapin at bukas daw sa pakikipagbalikan si Buboy Villiar sa kanyang dating partner na si Angillyn Gorens.


“At the end of the day kung magkagusto ka ulit sa akin, willing na willing akong tanggapin ka kasi mahal kita. 'Yun ang pagmamahal,” sabi ni Buboy sa isang interview.


Mutual naman daw ang naging desisyon nila ni Angillyn na hindi na mag-sama, bagay na sa tingin nila ay mas mainam para sa kanilang dalawa at para na rin daw sa kanilang mga anak.


Sina Buboy at Angillyn ay mayroong dalawang anak, sina Vlanz Karollyn, 3; at George Michael, 1.


"As a father, as a mother, nakita po namin 'yun at napagkasunduan na marami pa kaming puwedeng gawin, marami pang oportunidad, mahaba pa ang lalakbayin namin sa mundo na ito. So napagdesisyunan namin na okay, kung kailangan natin maghiwalay, eh 'di maghiwalay muna tayo,” ayon kay Buboy.


Sinubukan naman daw nina Buboy at Angillyn na ayusin pa ang kanilang relasyon sa loob ng dalawang taon, kaya nabuntis pa si Angillyn.


“Kaso dumating sa point na, 'Okay, [na-try] natin, hindi kaya, so baka kailangan natin... masyado nating pinu-push 'yung sarili natin na gawin itong mga ito kasi masyado tayo nagpapaapekto sa mga tao na noong nag-trend tayo dati na baka 'Walang forever!', masyado nating pinu-push na patunayan natin ang forever,” anang Kapuso actor at comedian.


Nilinaw pa ni Buboy na hindi third party ang dahilan ng kanilang break-up.

“Thank God dahil magkaayos kami ni Angillyn. Nagkakausap kami sa mga anak namin at maganda ang plano namin para sa mga anak namin.”


Anong masasabi niyo dito? Magbabalikan pa kaya sila Buboy at Angillyn?