Zef Juan, Kakasuhan Matapos Makipagkita sa Online Girlfriend Niya?


Matapos umere sa sikat na TV show na Kapuso Mo Jessica Soho ang kwento ng isang PNP-Special Action Force, naglabasan ang mga paratang na ito'y babaero dahilan kung bakit ito pinagkaguluhan ng mga netizens.
Sa episode ng KMJS, itinampok nila ang viral post ng lalaking si Zef Juan o Joebert Lacea kung saan sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng ilang buwang pakikipag-usap online, nagkita ang dalawa.


Makikita na sumugod sa kinalalagyan ng lalaking sundalo ang girlfriend niya dahil malapit na itong umalis para magtungo sa kanilang misyon. Malapit lamang ang lugar na ito sa girlfriend niya, kaya naman napagdesisyonan nilang magkita.

Nairecord ito ng isang kaibigan ng babae at pinost sa kanyang social media account na agad namang nagviral.


Itinampok sa TV ang kanilang love story. Ngunit ilang araw matapos ipalabas ang episode, lumabas ang iba pang mga babae ng sundalong si Zef Juan at kinwento umano ng mga ito kung paano nawasak at sinira ng Zef ang kanilang puso.



Naging kontrobersya ang kwento. Bukod dito, napansin ng isang netizen kung gaano kapanganib sa tropa ang ginawa ni Zef bilang sundalo.

Sa post ng isang netizen, nagbigay di umano si Zef ng isang "clue" tungkol sa isang kumpidensyal na impormasyon sa kanyang girlfriend na nakilala lamang niya online.
Sinabi pa ng post na dapat maging responsable si Zef at ang kanyang pagkilos ay dapat suriin dahil hindi niya inisaalang-alang ang pinsala na maaaring idulot niya.


Dadag pa sa post, ang babae ay maaari raw isang su!ci.de b0m.ber o isang NPA na alam na ang kanilang tropa ay patungo sa isang misyon. Sa kabutihang-palad, isang inosenteng babae lamang ang nagpakita, ngunit ang sitwasyon ay maaaring mapanganib kung ang nagpakita ay hindi isang inosenteng babae.


Marami ang sumang-ayon sa pahayag nito ng isang netizen. Sabi pa ng ilan sa kanila, maraming tamang oras at lugar para sa kanilang pag-kikita ngunit hindi dapat ito sa gitna ng isang restricted mission.

Ipinaaalala pa sa kanila ng post na mabuting paghiwalayin nila ang kanilang mga trabaho sa kanilang pribadong buhay,, dahil kung lumala ang mga pangyayari, maaring magdulot ito ng isang di magandang sitwasyon at maaaring mailagay ni Zef ang buhay ng kanyang mga kasamahan sa panganib.


Ano sa tingin ninyo? Tama lang ba na nagkita si Zef at ang kanyang girlfriend sa gitna ng isang misyon? Magcomment lamang kayo ng inyong mga saloobin....