Zef Juan at GF nito, LUMABAG raw sa Pandemic Protocol dahil sa isang larawan!


Matapos umere sa sikat na TV show na Kapuso Mo Jessica Soho ang kwento ng isang PNP-Special Action Force, naglabasan ang mga paratang na ito'y babaero dahilan kung bakit ito pinagkaguluhan ng mga netizens.


Sa episode ng KMJS, itinampok nila ang viral post ng lalaking si Zef Juan o Joebert Lacea kung saan sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng ilang buwang pakikipag-usap online, nagkita ang dalawa.


Makikita na sumugod sa kinalalagyan ng lalaking sundalo ang girlfriend niya dahil malapit na itong umalis para magtungo sa kanilang misyon. Malapit lamang ang lugar na ito sa girlfriend niya, kaya naman napagdesisyonan nilang magkita.


Nairecord ito ng isang kaibigan ng babae at pinost sa kanyang social media account na agad namang nagviral.
Itinampok sa TV ang kanilang love story. Ngunit ilang araw matapos ipalabas ang episode, lumabas ang iba pang mga babae ng sundalong si Zef Juan at kinwento umano ng mga ito kung paano nawasak at sinira ng Zef ang kanilang puso.


Ngayon ay mayroon siyang isa pang issue na kinakaharap. Ito ay matapos maviral ang isang larawan na kasama ang isang babae. Tulad ng nakikita sa larawan, nasa tabi sila ng isang kotse at kitang-kita na silay nagha-halikan.


Hindi malinaw na nakita ang mukha ng babae ngunit kahawig nito ang kasalukuyan niyang kasintahan na nagpunta sa kanya kamakailan lamang. Si Zef at ang kasintahan ay maaaring naharap sa mga seryosong charges dahil sa paglabag sa mga quarantine protocol.


Anong masasabi niyo dito? Si Zef at ang girlfriend kaya niya ang nasa larawan? Dapat ba silang humarap sa mga kinauukulan dahil sa paglabag sa protocol? Magcomment lamang kayo ng inyong mga saloobin...