Youtube Channel ni Akosi Dogie, na HACKED!


Youtube Account ng kilalang Mobile Legends: Bang Bang Streamer na si "Akosi Dogie" Na Hacked!


Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkawala o pagkahack ng account ng YouTube channel ng influencer, gamer, streamer na si Akosi Dogie.


Maraming fans, followers, at netizens ang nagulat matapos malaman ngayon umaga September 24, na nahack ng isang 'Live News' ang YouTube channel ni Akosi Dogie.




Nitong mga oras nag kalat ang mga usap usapan na hijacked ang kanyang Youtube Account.


Sa ngayon ang YT account ng Streamer na may 4.82 million subscribers ay napalitan ng name "Live news"

"Mababawi din itong Youtube account ng Streamer pero Hindi tiyak kung maibabalik ang naburang Content videos."

Sa ngayon ay hindi pa rin alam kung paano at bakit ito hinack.