Totoong Dahilan ng Pagkawala ni Lloyd Cadena, Siniwalat ng Malapit Niyang Kaibigan


Ang biglaang pagkawala ng Youtube star na si Lloyd Cadena ay mabilis na pinag-usapan ng mga tao sa social media ngayon.



Ang malungkot na balitang ito ay pinag-uusapan ng milyon-milyong mga fans ni Lloyd. Ngunit ano nga ba ang totoong kwento sa likod ng kanyang biglaang pagkawala?



Matapos magpost ang pamilya ni Lloyd Cadena sa kanyang official facebook page, isang Youtube channel ang nagpahayag ng update tungkol sa pagkawala ng sikat na YouTube star.

Ayon sa video, nakumpirma ng isa sa kanyang pinakamalapit na kaibigan na wala na si Lloyd.



Batay sa source, ang sikat na vlogger ay isinugod sa Asian Hospital sa Alabang ilang araw bago ang kanyang paglisan. Nain.fect umano si Lloyd ng kumakalat na v!rus ngayon.

Hindi nagpaalam ang vlogger sa kanyang mga tagasunod tungkol sa kanyang kalagayan, di tulad ng ilang mga vlogger. Ayon sa mga ulat, ang kanyang kondisyon ay hindi maganda simula nang dumating siya sa ospital.



Ang kanyang ina, na kilala bilang si Mommy Kween ay hindi rin makapaniwala na iiwan siya ng Lloyd ng maaga pa ngayon.

Batay sa source, ang vlogger ay nagsimulang magkaroon ng problema sa paghinga. Ito ang panahon kung saan pinaghihinalaan nila na nahawahan si Lloyd ng sakit na kinatatakutan ngayon ng buong mundo.



Pagdating niya sa ospital, tinest umano si Lloyd ngunit sa kasamaang palad, positive ang results ng test na napatunayan at kinumpirma ng kanyang mga doktor.

Ginawa din nila ang contact tracing upang malaman kung sino ang mga taong dati niyang nakasalamuha na makipag-ugnay sa kanya.

Bagaman hindi binanggit ng video ang eksaktong petsa kung kailan nagtungo si Lloyd sa ospital, tila ito ay kamakailan lamang din.

Matatandaang isa si Lloyd Cadena sa mga pioneers ng mga vlogger at YouTube content creators dito sa Pilipinas. Nagsimulang gumawa ng mga videos si Lloyd noong 2009 sa kanyang main channel na ngayon ay mayroon nang 5.3 million subscribers.



Kilala din si Lloyd bilang isang mabait at mapagbigay na kapamilya, kaibigan, at kapitbahay.