Tim Sawyer, tumangging magpaDNA test sa sinasabing ANAK niya sa Mindanao


Humingi ng tulong ang isang babaeng nagngangalang Winhelyn Romero sa programang Raffy Tulfo in Action kamakailan lamang.


Sinasabi ni Winhelyn Romero na mayroon umano siyang anak sa sikat na vlogger na si Tim Sawyer.


Nagkaroon umano si Winhelyn at Tim ng relasyon noong 2007 at naging maglive-in partner raw sila sa Cagayan de Oro ng isang taon. Sa panahong ito, nabuntis umano siya ni Tim.


Ayon pa kay Winhelyn, noong nalaman raw ni Tim na buntis siya, naging cold umano ito at parang may nagbago na sa kanilang relasyon.


Dagdag pa niya, hindi pa raw handa si Tim na hindi pa ito handa sa resposibilidad nito na maging ama ng bata dahil may pangarap pa raw itong mag-artista noon.


Ito raw ang naging dahilan upang ipa-apelido ni Winhelyn ang kanyang anak sa kinakasama niyang foreigner noon.



Hindi naman daw niya gustong maghabol sa pera ni Tim matapos nitong kalimutan ang ngayo'y 13-years-old na niyang anak. Nais lamang daw niyang ireklamo ito matapos itong mag-post ng kung ano-ano tungkol kay Winhelyn.


Sagot naman ni Tim kay Winhelyn, hindi naman raw siya ang ama ng bata dahil hindi naman raw nakapangalan kay Tim ang bata.


Nagsimula daw ang lahat noong mag-comment si Winhelyn sa post noon ni China Roces na matatandaang nagkaroon din ng issue si Tim kamakailan lamang.



Ang ngayo'y burado ng post ni Tim ay naglalaman ng kanyang pagamin na mayroon nga siyang anak sa Mindanao at alam naman raw ito China at ng pamilya niya.

Ayon sa abogadong nakausap ni Sir Raffy Tulfo, pwede naman daw maghabol ng karapatan ang umano'y anak ni Tim kung mayroong malinaw na ebidensya tulad ng isang DNA test.
Tumanggi naman si Tim na sumailalim sa DNA testing at pinagdiinan pa rin nito na hindi naman raw siya ang ama ng bata dahil malinaw naman daw na sa ibang ama ito nakapangalan.

Nagpost naman si Tim dahil hindi na nito mapigilan ang kanyang nararamadaman matapos lumabas ang mga issue tungkol sa kanya. Narito ang kanyang post...

 “PA IYAK IYAK KA SA TULFO TAPUS NGAYON KO LANG NA LAMAN WLA PALA SA PODIR MO YUNG BATA!!!!ANO SENSE NITONG PINAG LALABAN MO? SA MATA NG BATAS HINDI KO ANAK YUN KASI HINDI NAKA PANGALAN YAN SA DATI MONG ASAWA/BIYFRIEND TINURING KO NA PARANG ANAK KO NARIN YANG ANAK MO DIKO KAILANGAN E PROVE NA AKO ANG TATAY O HINDI SA BATA KAYA KO NAMAN BUHAYIN YUNG BATA KONG YAN TINATANONG MO… “NO NEED D.N.A TEST PERO GAGAWA KA NG KADRAMAHAN SA TULFO DI NAMAN PALA IKAW NAG PAPALAKI SA BATA KAPATID MO NAKAKA HIYA KA…SANA DI MO NALANG PINA ABOT SA GANITO DINAGDAGAN MO LANG PROBLEMA KO!!” 



Narito naman ang ilang pahayag ng mga netizens tungkol sa issue ni Tim at Winhelyn....



Anong masasabi niyo dito? Sa tingin niyo ba ay anak talaga ni Tim ang batang sinasabi ni Winhelyn? Magcomment lamang kayo ng inyong mga saloobin...