Tim Sawyer at China Roces muling nagkasama ang dalawa para sa kanilang anak


Matapos ang kinasangkutang isyu ng couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, muling nagkasama ang dalawa para sa kanilang anak.


Ibinahagi ni Tim sa kanyang official FB account, ang isang larawan kung saan masayang nakangiti ang dalawa kasama ang anak na si Timothy na nagdiriwang ng kanyang ika-anim ba buwan.


At bagamat hindi pa gaanong kalinaw ang sitwasyon sa pagitan nina Tim at China, masaya naman ang mga fans at followers nila na muling makitang buo ang pamilya nila.








Matatandaang ilang linggo rin naging laman ng social media ang away sa pagitan ng dalawang vlogger na live pang napanood ng mga netizens sa Facebook.


Dahil sa sobrang seryoso na ang mga nangyari hindi nagtagal ay humantong na nga sa programa ni Raffy Tulfo ang isyu matapos ireklamo ni China si Tim.


Naging dahilan umano ng kanilang away ay ang pagtatago umano ni Tim ng tungkol sa kanyang pera na kanila daw kinita sa kanilang sa mga vlogs.


Maging ang pagtatago umano ni Tim sa biniling bahay at sasakyan ay nabanggit din ni China.

Anong masasabi niyo na muli na unti-unti nang nabubuo muli ang pamilya ni Tim at China? Magcomment lamang kayo ng inyong mga saloobin...