“Sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin.” Mel Tianco, may binulgar tungkol sa ABS-CBN


Isang tanong kay Mel sa interview na kung willing ba siyang ibahagi ang kuwento ng kanyang buhay para sa Magpakailanman.

“Hindi nga, e. Napaka-corny ng buhay ko!” natatawa niyang sagot.



“Naku, baka hindi puwede! Kasi yun ang pang-aapi sa akin ng ABS,” ayon kay Mel.

Ayon pa ng Kapuso newscaster, “Pero puwede ba yun? Baka idemanda tayo!

“Kasi kung meron mang bahagi ng buhay ko na may matinding pinagdaanan ko—iyon, e.

“Wala naman yatang iba, e.”

Nagthrowback di umano ang mapait na pinagdaanan niya noong tinanggal siya sa ABS-CB, 18 years ago.



Noong 1995, matatandaan na sinuspinde ang batikang newscaster ng ABS-CBN, without pay, sa programa nilang Mel & Jay matapos siyang magpalabas ng isang detergent commercial.

Hindi umano sinunod ni Mel ang rules na nagbabawal sa radio, news, and current affairs talent ng ABS-CBN na magpalabas ng mga advertisements nang walang pahintulot ng management.



Dahil sa nangyari, nagkaroon ng isang legal battle sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN. Naging dahilan ito ng kanyang paglipat ng kanyang dating co-host na si Jay Sonza sa GMA-7.

Ayon kay Mel, “Kasi sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin.



“Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun.

“Alam n’yo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto?

“Ganun ang feeling ko nun.”

Sobrang pang-aapi daw ang naranasan niya sa ABS-CBN at dahil doon, maraming natutunan si Mel. Sinabi din niya na matagal na raw niyang napatawad ang mga nasa ABS-CBN.



“Ang natutunan ko lang sa experience na yun, ‘You cannot put a good man down.’

“Pero alam mo noon, litung-lito ako, na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Kasi, you know, I love that company very much. I gave everything I had.

“’Bakit ako ginaganito?’ Yun lang ang umaano sa isip ko, ‘Ano ba ang ginawa ko? Bakit nila ako ginaganito?’

“But I did not lose my equilibrium. I did not lose my balance.

“I was still in control of my life.

“Dun na rin ako humugot ng lakas, kasi alam ko na mabuting tao ako. Alam ko na mabuting empleyado ako.

“Ibinuhos ko na lahat, malinis ang puso ko, malinis ang konsensiya ko.”



Kahit pa daw hindi humingi ng tawad ang mga taong nang-api sa kanya, matagal na daw niyang napatawad ang mga ito.

Naging magandang blessing naman daw kasi ang natamo niya matapos siyang makalipat sa GMA-7.



“Sabi nga sa akin, ‘Vindicated ka.’

“Lumipat ako dito, naging number one ang newscast ko.

“Tapos nag-number one ang Magpakailanman nun, yun ang medyo yumanig nun sa Maalaala Mo Kaya, e.

“Ito yung mga bagay-bagay na talagang nagsasabi sa akin na, ‘Pabayaan n’yo na yun, kalimutan n’yo na lang yun.’

“Napatawad ko na sila kahit hindi sila nagsu-sorry. Napatawad ko na sila.

“Bakit hindi ko sila papatawarin, e, ang ganda-ganda ng buhay ko dito sa GMA.

“Napakabait nila sa akin, napakarami kong fulfillment here at GMA,” napapangiti niyang sabi sa PEP.

Sabi sa report, hindi naman daw nila pinilit si Mel sa kung sino ang taong nang-api sakanya ngunit tinanong nila kung ano ang gustong sabihin ni Mel sa taong ito sa mula sa ABS-CBN.



Humarap si Mel sa kamera at seryosong sinabing:

“Sir, sana po nakakatulog kayo nang mahimbing.

“Ang buhay po ng tao ay hindi materyal lang ang mahalaga.

“Sa buhay ng tao ay mahalaga na lilingon ka at marami ang nagsasabi sa ‘yo, ‘Napakabuti mong tao.’

“Sana po dumating ang panahon, sa inyo mangyari ‘yan.”

Dagdag pa ni Mel bago matapos ang interview, dapat nga daw ay "sirs" ang sinabi niya dahil marami daw ang mga nang-api sakanya.