“Siguro po pag nasa tamang oras na” Jillian Ward, payag na maka-date ang isang fan.


Marami ang humahanga ngayon kay Jillian Ward dahil sa angking ganda ng dalaga at kabaitan nito.


Kahit sumikat na si Jillian ay hindi pa rin siya naging mayabang. Down to earth pa rin ang Kapuso actress at lalong humanga sakanya ang mga netizens matapos nilang malaman na pinahahalagahan ni Jillian ang kanyang mga supporters.


Ayon sa reports, kahit daw sa buhay pag-ibig ay open ang dalaga sa anumang posibilidad.


Nangtanungin ang dalaga kung willing ba itong maka-date ang isang fan, sumagot ito at nagulat ang ilang fans sa kanyang sagot.



Ayon kay Jillian, “wala naman nakaka-control ng nagugustuhan.”

Dagdag din ng 15-year-old Kapuso star na iibig na ito "kapag pwede na."


“Siguro po pag nasa tamang oras na,” ayon kay Jillian sa kanyang pinakabagong vlog sa kanyang Youtube channel.


“Hindi naman natin nako-control kung kanino tayo nagkakagusto, so why not? One day ‘pag pwede na,” dagdag pa ni Jillian.

Binahagi din ni Jillian ang kanyang hinahanap sa isang romantic partner man o kaibigan: “Gusto ko ‘yung mga hard-working, gusto ko ‘yung mababait, may respeto sa tao and ‘yung talagang mataas din yung standards para sa sarili — ‘yung nirerespeto rin yung sarili niya.”



Anong masasabi niyo kay Jillian? Nais niyo din bang maka-date si Jillian kung sakali? Maari niyong ibahagi ang inyong mga saloobin.