Netizen nagulantang matapos malaman kung san napunta ang inutang ng ate niya sakanya



Hindi makapaniwala ang netizen na ito matapos niyang matuklasan kung saan napupunta ang mga perang ipinahiram niya sa kanyang ate.

Isang mensahe ang mapupulot sa kwentong ibinahagi ng isang netizen na nag-viral sa social media. Makikita ang palitan ng text ng dalawang magkapatid na talagang maa-antig ang inyong damdamin.
Maraming tao ang natuwa at humanga sa panganay na babae dahil sa hindi inaasahang ginawa nito para matulungan ang kanyang kapatid na umalis sa probinsya para magtrabaho.

Sa mga screenshot ng conversation ng magkapatid, makikita na madalas na manghiram ng pera o mangutang ang panganay na babae sa kanyang bunsong kapatid.

Noong mga una ay pinalagpas ng nakababatang kapatid ang panghihiram ng pera ng kanyang ate na isang guro.
Makalipas ang ilang palitan ng text at utang, unti-unti nang nainis ang nakababatang kapatid at tila raw lagi nang nangungutang ang kapatid niya sakanya.

Hindi alam ng bunsong kapatid na mayroon parang matinding pinaglalaanan ang kanyang kapatid kaya lagi itong nanghihiram ng pera.

Nang ipagtapat ng ate sa bunso ang katotohanan, halos hindi makapaniwala ang inutangang kapatid na sa bawat singkong kunwari ay hiniram sa kanya, ay mismong kapakanan pala nya ang inaalala ng panganay na hindi naman talaga gipit sa pera.
Hindi inakala ng bunsong kapatid na lahat pala ng perang hiniram nito sa kanya ay inipon lang ng kanyang ate para mismo sa kanya upang may magamit syang panggastos sa panahon ng kagipitan.

Basahin ang kanilang mga naging usapan:








Anong masasabi niyo sa magkapatid na ito? Natuwa at humanga din ba kayo sa ginawa ng ate niya? Ibahagi niyo lamang ang inyong saloobin sa comments...