Netizen, Ibinahagi ang hirap na naranasan niya sa pagkakaroon ng Scoliosis


Ang pagkakaroon ng Scoliosis ay isa na yata sa pinakamatinding nangyari sa netizen na ito kung saan binahagi niya ang storya kung ano ang pinagdaanan niya sa pagkakaroon ng sakit na ito.


Ayon sa mga eksperto, Scoliosis is a sideways curvature of the spine. Scoliosis is a sideways curvature of the spine that occurs most often during the growth spurt just before puberty. While scoliosis can be caused by conditions such as cerebral palsy and muscular dystrophy, the cause of most scoliosis is unknown.


Ang netizen na ito na nagngangalang Karla Cuesta ay na-diagnose sa scoliosis noong taong 2016 at hindi raw biro ang magkaroon ng ganitong kundisyon.



Sobrang hirap at sakit raw ang dinanas niya mula ng magkaroon siya nito. Wala rin daw pinipiling oras, panahon, o klima ang pag-atake ng sakit na ito.


Ngunit ang mas masakit pa, ay ang mga tao raw na nagsasabing "scoliosis lang yan eh". Ayon pa kay Karla, hindi raw kasi alam ng mga tao kung ano ang hirap na dinadanas niya.


Ibinahagi din ni Karla na hindi lahat ng bagay ay nagagawa niya dahil sa sakit na ito. Inamin niya na naiinggit din siya sa iba dahil may mga bagay raw nais niyang gawin at kailangan niyang maranasan ngunit hindi raw maari.


Hirap din daw si Karla sa pagtulog dahil hindi raw siya mapakali at baka mamali siya ng pwesto ng pag higa. Hindi rin siya makatulog dahil sa sakit at araw-araw daw niyang dinaranas ito.



Hanggang ngayon ay lumalaban pa rin si Karla sa sakit na ito at narealize din daw niya na mas alagaan at bigyan pa ng oras ang kanyang sarili.


Sa huli, binigyan niya ng inspirasyon ang mga taong may pinagdadaanang sakit tulad niya. Ayon kay Karla, "Sa mga may scoliosis out there, laban lang! Habang buhay natin ito dadalhin hehe we're not broken, just bent."

Narito ang buong post niya...

It's time to embrace your imperfections! ❤

It's been 4 years since I was diagnosed with scoliosis and it is not a joke. The pain is real at sobrang hirap. Scoliosis- no time, anytime pwede kang atakihin, walang pinipiling panahon, oras o klima. Tapos everyone's gonna say "Scoliosis lang yan eh" yeah "lang yan" but you dont know how it feels. This is too painful
We cannot do the things kagaya ng ginagawa ninyo. Yung feeling na naiinggit ka kasi may mga bagay na dapat ginagawa at kailangan mo maranasan pero hindi pwede. Yung hindi ka mapakali kapag namamali ka ng pwesto sa pag higa at yung hirap pa ng pag hinga. Yung sleepless nights na hirap kang makatulog dahil sumasakit. At araw araw kami nag susuffer dahil dito. Be thankful kasi hindi kayo ganito at hindi ninyo ito nararanasan.

At hanggang ngayon lumalaban pa rin ako. Na realize ko na dapat mas alagaan ko pa ang sarili ko. To everyone na may scoliosis, everyday is a battle for us. At wag tayo papadala sa judgement ng iba. Binigyan tayo ng ganitong challenge kasi alam ng Diyos na strong tayo at kaya natin labanan 'to.
Sa mga may scoliosis out there, laban lang! Habang buhay natin ito dadalhin hehe we're not broken, just bent.

Sa scoliosis may forever. Laging masakit, forever masakit 🙂

Happy Scoliosis Awareness Month! 💚


Anong masasabi niyo kay Karla? Magbigay lamang kayo ng inyong mga opinyon sa comments...

Source