Michelle Dy, sobrang naging emosyonal sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigang si Lloyd Cafe Cadena



Hindi na nga napigilan ni Michelle Dy ang kanyang luha habang nagluluksa sa hindi pa napapanahong pagpanaw ng kanyang kaibigang si Lloyd Cafe Cadena.


Sa Instagram, nagbahagi ang vlogger at influencer na si Michelle Dy ang kanyang emosyonal na pag-iyak niya habang nakikinig sa "Thank God I Found You" ni Mariah Carey pati na rin ang ilang serye ng mga mensahe.




"Lord, why did you take away the only one I had," sabi ni Michelle.





"I love you so much Lloyd...and I thank the Lord that I was able to [make] you feel how much you mean to me...I don't regret anything because I know deep inside I expressed how much I love you and how much I appreciated you and I know you felt that," dagdag pa niya.




Sinabi niya na tuwing may pinagdadaanan siyang online at offline, palaging si Lloyd ang unang magte-text sa kanya.

"As simple as 'I love you' 'yan ang una niyang text, and after that he will save me. He will save the day. Siya ang sasalo sa akin," sabi ni Michelle.




Sinabi din niya na pareho silang hindi ganoon kadami ang kaibigan, dahil madalas silang "misinterpret" ng ilan.



"We both had strong personalities that not a lot could handle...but sa aming dalawa, we were our safe place. I was the only one that could handle him, and he was the only one that could handle me," ayon kay Michelle.






Nagpost muli si Michelle ng isang text ni Lloyd. Makikita sa convo nila na bigla na lamang nagi-i love you si Lloyd, senyales na hindi niya nakakalimutang kamustahin ang kanyang kaibigan.



Ayon kay Michelle, "I know it was you who woke me up at 4am this morning."



Matatandaang isa si Lloyd Cadena sa mga pioneers ng mga vlogger at YouTube content creators dito sa Pilipinas. Nagsimulang gumawa ng mga videos si Lloyd noong 2009 sa kanyang main channel na ngayon ay mayroon nang 5 million subscribers.

Kilala din si Lloyd bilang isang mabait at mapagbigay na kapamilya, kaibigan, at kapitbahay.

Mayroon din ba kayong kaibigang ganito? Maaring niyong ibahagi ang inyong mga saloobin sa comments...