Mga Nakarelasyon umano ng Pulis na nagviral sa KMJS, LUMANTAG!


Matapos magviral ang post ng litrato ng isang pulis na mayroong caption na, "At SA wakas. NAGKITA NARIN TAYO. Si Lord na kusa gumawa ng paraan para magkita tayo. Thank you Lord. Kumpleto na atung monthsary. I LOVE YOU!"


Agad na naitampok ito sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho” na kilala bilang KMJS.



Ngunit habang pinaguusapan ang love story ni Zef, nagsilabasan naman ang mga ex-girlfriend at nakarelasyon di umano ng pulis habang nasa loob ito ng relasyon.




Nagpost ang isang netizen na nagngangalang, Angelyn Quieta Villanueva na di umano nagkaroon siya ng relasyon sa loob ng anim na taon kay Zef.


Pati umano ang kanyang ina ay naging saksi sa relasyon nilang dalawa.


Masaya daw na binuo ni Angelyn at Zef ang kanilang mga pangarap ngunit umalis raw si Zef at iniwan ang kanyang anak.


Kahit hindi naging maganda ang relasyon nila, masaya pa rin daw ang ina ni Angelyn na naging masaya na rin ito sa kanyang bagong karelasyon.

Nagpost pa si Angelyn sa kanyang facebook account at pabiro nitong sinabi, "Kung nagpatuloy, ako dapat nasa #KMJS."