Magkasintahan, nagka-hiwalay dahil sa hindi inaasahang sakit ng kanyang BF


Viral ngayon sa social media ang magkasintahang Mylene Punzalan at aniel John "DJ" Ayap dahil sa mabigat na problemang hinarap ng kanilang relasyon.

Nagpost ang isang netizen na si Mylene Punzalan sa kanyang Facebook account ng isang pangyayaring nagpatatag sakanyang bilang isang tao. Sa kanyang post, binahagi niya kung gaano sila kasaya ng kanyang boyfriend na si DJ sa kanilang relationship.

Ngunit nagtapos ang kanilang maliligayang araw ng malaman nilang mayroong matinding sakit na tinatahak si DJ. Nalaman nilang Diabetic pala si DJ at sa edad na 19, binawian ng buhay ang binata. Narito at alamin ang buong kwento ayon sa post ni Mylene:

"First picture together. August, 2018. Nagpapicture siya sakin kasi sabi niya, attracted na siya sakin nito ๐Ÿคท๐Ÿป‍♀️. Hinanap niya ako nyan, tapos may hinahanap din ako which is yung phone ko, namisplace ko. Tapos iyak ako nang iyak nito. Nasa classmate ko lang pala. Ayan, ngiting nahanap yung phone. Before ito mag acquaintance party. Crush na niya pala ako non ๐Ÿ˜‚"

"First selfie namin toooo, sa pagkakatanda ko hindi ito yung first date or kain namin sa labas. Kasi sa nyelpots kamj unang kumain non, then next lang itong sa Mcdo. Kaya naman kami lumabas kasi may pinag usapan kami, which is yung issue tungkol samin ๐Ÿ˜ *buti nalang di ako nagpaapekto hmp* #McdoBuddy ❤️"

Sa Divisoria 'tooo. Namili kami for streetdance ng ABM, with Tatay Ben and friends. Kilig siya nito sakin kasi magkatabi kami sa sasakyan ๐Ÿ˜‚ Itong time na rin na to, chinallenge ko siya. Kasi nagsasabi na siya ng "Iloveyou" sakin, tapos "Thankyou" lang sagot ko ๐Ÿ˜ tapos ang challenge ko, mag a-iloveyou too lang ako sa kanya kapag nag "Iloveyou" siya kay kay Daddy, in person. At sobrang challenging yon for him kasi that time, may galit sa puso niya at hindi rin sila gaanong kaclose non.
Ps: hindi ako nagsabi ng "iloveyou too" dahil sa may kapalit, kundi dahil ayon ang nararamdaman ko.

Ff.
Overall Champion ABM ๐Ÿ˜ Worth it lahat ng pagod namin, kanya kanya kaming kilos, busy kami parehas kasi may nakatoka satin. Daming trophy ❤️ at sobrang naging malalim na ang relationship namin.

After non, lagi na kami magkasabay pumasok.
Oo, tama ang nakikita mo, nasa tric kami at kasya kami sa loob. Saktong sakto, parang sinukat lang ๐Ÿ˜œ❤️

Kahit sa back ride nagkakasya kami. Naliit si Dj kapag ganyan, matik yan ๐Ÿ˜‚ Cute mo dyan, jaaay! ๐Ÿ˜

Kita niyo namannnn, naging successful siya sa first challenge ko sa kanya.
Nakita ko kung gaano naging challenging sa kanya yung challenge ko, but he never failed me.
Nakita ko rin kung paano siya nadown because of what happened in the past. Pero mas nakita ko kung paano niya binigyan ng chance at kung paano niya tinanggap nang maluwag sa dibdib niya lahat ng situations na nangyari. Nagpatawad siya nang maluwag sa dibdib niya.

Second challenge ko sa kanya medyo madali, kasi kasama niya lang naman sa bahay si Mama. Ang challenge ko sa kanya, maging mas close sila ni Mama at maging open siya sa lahat ng nararamdaman niya. At nakita ko naman kung paano niya ineexpress yung feelings niya at sinasabi niya lahat ng opinions niya at natutuwa ako kasi naging mas close nga sila. ❤️  

This is my third challenge to him. Pupunta sila ng Baguio. 2 or 3 days ata sila nyan. Kasama niya mga co-officers niya sa SSC. Tapos sabi ko, dapat makabalik yan dito sa Manila nang buo, LORDSHIP yon. Kaya sabi niya sa mga co-officers niya, ingatan yung bag niya kasi may itlog ๐Ÿ˜‚ at nakabalik nga nang buo ❤️ Galing galing!!

My first surprise for Dj.
Galing siya sa Baguio nito at ayan sinurprise ko siya. Hahahaha grabe naman preparation nyan kahit simple lang. Thank you sa mga tropang tumulong ❤️ Sabi niya, down na down siya nito tapos hindi niya inexpect na may surprise ako, at nasa bahay nila ako, kaya ayan kilig na kilig nanaman ๐Ÿคท๐Ÿป‍♀️๐Ÿ˜‚

First swimming with him!
Sa Saniya 'toooo. Ang lalim kasi nyan, di ko talaga abot at hindi ako marunong lumangoy, kaya ayan magaan naman ako, kapag nasa tubig nga lang. ๐Ÿ˜‚

Ang cute nito ❤️
Magpapalit ako nyan ng dp. Sinusuportahan niya ako sa lahat ๐Ÿ˜Š Damit niya pa ang suot ko nyan hahaha.
Thanks, Andrei!! My photographer and designer that day ๐Ÿ˜Š

Sobrang tagal na nitoooo, mag sswimming kami nito. Tapos pinicturan kami, parang sariling bahay namin yung back ground hahaha. Sabi mo, mas maganda pa dyan bahay natin sa future ๐Ÿฅบ.

3rd namin 'to but first celeb hahaha.
*Di po kasi official na kami, di ko sinagot talaga si Dj. Kinonsider lang po namin ang Sept 2 as our anniversary, kasi special samin ang date na' yon*
Sabi niya di raw siya mahilig bumili ng mga flowers flowers hahahah kaya binilhan niya ako nung pampatay na kulay puti pero bumili rin siya ng rose, kasi sabi niya di siya sure kung alin don sa dalawa ibibigay niya hahaha.

A normal day with him sa LOA, but for us it's special kasi magkasama kami *paniszxc*.
Nag-aaral talaga kami nang mabuti, sabay kami nagrereview kapag may major exam. Kapag may quiz siya, rereviewhin ko siya, ganon din siya sakin ❤️

I can say na si Lord talaga ang center ng relationship namin, kasi kapag may hindi pagkakaintindihan at matindi yung away, bago kami mag usap nagppray muna kami para talaga maayos at maging okay. At sobrang natutuwa ako kasi siya ang nagllead saming dalawa at talagang nagtutulungan kami para mag grow kay Lord ❤️

Christmas Partyyyy ❤️
Naghanap kami sa Festi ng isusuot ko, tapos nakarating kami ng ATC. Ang cute ng damit kasi rainbow, kaya binili niya ๐Ÿค— *matagal na po yang damit na yan haha*
Dito rin nagsimula yung "Catriona Gray" na tawag niya sakin kasi nakaheels ako nyan at sabi niya, ang cute ko maglakad kaya pinarampa niya ako nang pinarampa.

Lahat ng trip ko, sinasabayan niya. Sabi niya kasi sakin dati, kayang-kaya niya raw sabayan lahat trip ko hahaha.

Pogi niya lalo rito ๐Ÿ˜. Mukhang inosente e ๐Ÿ˜‚ gg siya nito samin ni Mama hahahaha. Kasi binigyan ako ni Mama ng damit, ayan backless tapos aalis kami, magmmall. Magkakampi kami ni Mama, as always ๐Ÿ˜‚ Sexy ko nga raw e ๐Ÿ˜œ

I really appreciate him, kasi kahit "girl" na niya ako, nililigawan niya pa rin ako araw-araw. Nagpapicture siya sakin nito kasi mukha raw akong artista sabi niya, kasi nakashades pa ako e kakain lang naman kami sa wing bites hahahaha.

Travel buddy ❤️ Isa 'to sa solid, hilig talaga niya magshare at mag open, heart to heart kami palagi. And perfect place tong seaside sa Moa ♥️.

Kapag vacant ko or uwian na namin galing school, diretso ako sa Camella, may nag aantay na agad na pagkain, nilulutuan niya ako palagi kasi gutom na gutom na ako. Laging ganyan, walang palya ๐Ÿฅบ❤️. Kaya naman excited ako umuwi palagi hahaha.

Kapag nag aantay kami ng tric sa kanto nila, ito ang trono ko raw. Kumukuha niya ng upuan para hindi ako mangalay ๐Ÿฅบ

Tagaytay trip with him. Kasama namin nito Daddy and His Fam. Sobrang hanga ako sa pinapakita niya. Makikita talaga sa kanya na nagpatawad na siya, at naaccept na niya na broken talaga ang family niya, at sobrang hinahangaan ko siya sa part na yon.

Our relationship isn't perfect. Daming flaws both sides, hindi laging masaya kasi minsan, may misunderstanding talaga. Pero hindi yon naging hindrance kasi talagang pinaglalaban at pinupush. Hanggat kaya, itutuloy. Hangga't hindi nawawala yung love, magpapatuloy.

His 18th birthday, sinurprise ko siya pero hindi matutumbasan ng kahit anong surprises lahat ng naitulong niya sakin at pagmamahal na binibigay niya. Pero itong pangyayari na 'to ang naging way para mas lalo pa naming mahalin ang isat isa.

March 6, 2019, My 18th Birthday.
Sa Lyceum 'to. May pasok. I don't expect anything kasi magceceleb naman ng debut ko. Makita at makasama lang kita, oks na ako, solve na, buo na kumbaga. ๐Ÿ˜❤️

Pero hinandaan pa rin nila ako ni Mama. And I'm so thankful and blessed kasi dumating sila sa buhay ko. I really appreciated this simple celebration, kasi alam kong special ako sa kanila.

My 18th Birthday celebration.
Sobrang thankful ako ๐Ÿฅบ Sobrang imposible ng debut ko kung wala siya, ang laki ng tulong niya at sobrang naaappreciate ko yon. Lalo na yung pag iipon niya, kasi di naman siya talaga ganon, ubos agad pera niya kapag nahawakan niya, pero nung time na 'to grabe, nakikita ko talaga na nag eeffort siya. Sabi niya sakin, dapat ituloy namin kasi ito ang pangarap ko ๐Ÿฅบ. Salamat sa tulong at pagmamahal ๐Ÿฅบ❤️

Thank you for boosting my confidence. Sobrang naging dependent ako sa kanya pagdating sa pagharap sa tao, siya ang nagpupush sakin para maging better pa.
And thank you kasi until now, dala dala ko yon ❤️

Food buddies as well ๐Ÿ˜‹
Kaya talaga ako tumaba kasi pinapabayaan niya ako, pinapabayaan niya ako na kumain lang nang kumain. Kapag may pera, kain dito, kain doon lahat ng cravings, naibibigay.

Grumaduate kami, with honors at marami pang awards. Sobrang worth it lahat ng pagod. GALING TALAGA NI LORD!
Pinatunayan niya na hindi lang siya magaling sa pagllead, kundi may ibubuga rin sa pag-aaral. Matalino si Dj, he's my human google, sobrang dami niyang alam, literal. At masaya ako kasi parehas kami nag eexcel, sa lahat ng aspect nang magkasama. Hindi toxic yung relasyon namin, talagang nagtutulungan kami para mag grow, sa pag-aaral, sa life and ofcourse kay Lord.

After graduationnn ❤️
4 years nalang, mapapakilala na kita, magagawa na natin lahat ng gusto natin, makakapagtravel na tayo, at magagawa lahat ng plano natin. Sa almost 2 years na nakilala kita, sobrang daming nagbago. Sobrang laki ng impact mo sa life ko, sobrang blessed ko dahil meron akong ikaw ❤️

One of my favorite picture ❤️
Saya lang, kahit maraming challenges, kinakaya naming lagpasan basta magkasama kami, magagawa namin lahat kasi alam naming may Lord na nandyan palagi, ginagabayan kami.

I salute him! Kung paano niya ako respetuhin, kung paano niya pinapakita yung totoong siya kasi alam niyang tanggap na tanggap ko siya, kung paano niya suportahan lahat ng gusto ko kahit minsan ayaw niya talaga.
Thanks for being "you", mas lalo kitang minahal.

Thank you for always making my day extra special ☺️
Ito yung pumunta kami nila Mama sa Luneta. Photoshoot lang talaga pinunta ko, at siya palagi ang photographer ko ❤️

Sept. 2, 2019
Our 1st Anniv ❤️
I bought a pair of shoes for him ☺️ Tuwang-tuwa, kilig na kilig, kitang-kita niyo naman sa mukha dibaaa ๐Ÿ˜‚ Ayang smile na yan ang pinaka favorite ko, ang cute kasiii ๐Ÿ˜ Bakas na bakas sa mukha niya yung tuwa, at masaya rin ako kasi masaya siya.

Acquaintance namin 'to sa school namin at oath taking nila sa isang hotel somewhere in Manila *I forgot the name of the Hotel*
At doon kami nag-ayos sa bahay nila that time, kasi mas malapit bahay nila sa school namin. This is one of the best memories namin kasi pinaparampa niya talaga ako nang pinaparampa, like his kind of Catriona Gray. ๐Ÿ’–

Siya ang nakikita ko na makakasama ko sa future. Wala akong nakikitang dahilan para maghiwalay kami kasi lahat ng challenges nalalagpasan namin nang magkasama, nagagawa namin at natututo kami, nakakaya namin iovercome kasi may Lord kami parehas sa buhay namin at may Lord na center ng relationship namin.

Pero nagkamali ako...

Nang magkaroon ng pandemic at maglockdown, puro chats, calls and video call nalang kami. Masaya naman ako kahit di kita nagkikita kasi kausap ko naman siya palagi, magkatawagan at walang katapusang kamustahan.
Pero sa likod nang mga ngiting nakikita niyo sa mukha niya, may tinatago pala siya at may hindi sinasabi.

May 26, 2020
Finally! After almost 3 months, nagkita na kamiiii.
Sinurprise ko siya, at talaga namang nagulat siya na nakarating ako sa bahay nila. Hindi halata sa mukha niya na may nararamdaman siya. Sobrang saya kasi hindi na sa screen yung pag-uusap namin, personal na. At gaya nang lagi naming ginagawa, nagkwentuhan, nagshare at nag open. Isa sa mga napag-usapan namin is about our future. At ang sabi ko sa kanya, "Hindi ko nakikita ang sarili ko sa ibang lalaki, ikaw ang nakikita ko na makakasama ko sa future"

After 2 days, nagsabi siya sa akin na kung pwede raw dalhan ko siya ng mga prutas at gulay. Kasi nagsearch siya ng sakit na may symptoms na nararamdaman niya. Nung una akala namin hypokalemia *kulang sa potassium, which is delikado rin*
And I bought fruits and Veggies for him.
Nung day na ito, wala kaming pic kasi nanghihina raw katawan niya at pagod siya.

May 29, 2020 nang nagpacheck up siya at ang findings may Diabetes, UTI at may bacteria ang dugo niya. Kaya need na niya mag-insulin. Pero sa tuwing tinuturok sa kanya ang insulin, mas lalo siyang nanghihina kaya they decided na magpaconfine na si Dj.
June 1, 2020 nang iconfine si Dj. Hindi rin okay pakiramdam ko non kaya hindi ako nakapunta agad.
Naghihintay lang ako ng update about his condition, parang nasa ospital din ako kasi hindi makatulog. Maya't-maya, pray, iyak. Contact dito, contact doon ng mga tao na alam kong makakatulong para maging maayos siya.

June 2, 2020
Pero pag gising ko, itong chat ni Daddy ang bumungad sakin.
Pray ang una kong ginawa, then update sa mga kachurchmate namin, request ng prayer for him. At patuloy na pagcontact sa mga taong alam kong makakatulong samin.
Ayokong isipin kung ano ang susunod na posibleng mangyari, patuloy pa rin akong nagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos na mayroon ako.
Nag-asikaso na rin ako para talagang makapunta sa ospital, ang hirap man makapunta dahil sa walang masyadong masakyan, pero ginawa ko talaga ang lahat para makaabot. Pero nasa bahay palang ako, tumawag na sa akin si Mama, wala na raw si Dj. Di ako naniniwala, ayokong maniwala. Kaya binilisan ko nalang ang pag punta ron, at tumawag din sakin ang Daddy niya, ganon din ang balita, di rin ako naniniwala. Hanggang sa makarating na ako sa ospital, hindi rin ako pinapasok.
Sobrang hinang-hina ako, iyak nalang ang nagagawa ko, di ako makapaniwala, ayokong maniwala.

Hindi ako nagpakajowa para ayusin ang huli mong isusuot ☹️

Until now, hindi pa rin ako makapaniwala, sobrang bilis ng pangyayari ๐Ÿ’”
Ang daming regrets. Dapat pala kahit hindi ako okay pumunta ako, kasi inaantay niya ako, hinahanap niya ako, maya't maya nagising siya kasi alam niyang darating ako.

Nakaset na ang plano, isusurprise ko siya kasi 21st monthsary namin yon ๐Ÿ’”, pero ako ang nasurprise. I really thought I could spend a lifetime with you, I was wrong. I can no longer see your smiles, smell your scent, take a picture with you, and hug you. You are now my best memory and you will always be. I know you will guide us from above all the time. Don’t worry, I will still pursue our dreams, knowing that it will make you proud.
Sobrang dami kong realizations nung mga nakaraang araw, at talaga namang napakalaki ng impact ng buhay mo sakin. Kaya every time na madarapa ako, I’ll make sure na babangon ako at gagamitin ko lahat ng tinuro mo sakin, na palaging kay Lord sumandal. Sabi mo nga “God will provide a perfect time for us”, aantayin ko yung time na yon.

Palagi akong titingin sa positive side ng reason ni Lord kung bakit ka niya kinuha.

It’s an honor for me na gamitin ni Lord para mareach out ka at magkaroon ng relationship sa kanya. I want you to know na sobrang blessed ako kasi dumating ka sa buhay ko, sobrang dami kong natutunan sayo, sobrang laki ng tulong mo, at sobrang nagpagamit ka kay Lord para mag grow din ako. Masakit man itong biglaang pangyayari, pero gagamitin ko ‘to para ipagpatuloy ang goal natin at purpose ko.

ALL PRAISES BELONGS TO THE LORD!
Maraming netizen ang nalungkot sa storya ng magkarelasyong Mylene at DJ. Kayo? Anong masasabi niyo dito?