Lotto Winner Nagsuot ng Maskara Para Di Makilala ng mga Kamag-Anak na Nais Bumalato


Maraming tao ngayon ang nagaasam na manalo sa lotto dahil sa iilang numero maaring magbago na ang iyong buhay.


Pero paano na kaya kung isa ka sa mga taong sinuwerte at nanalo sa lotto? Hanggang saan kaya ang mararating ng iyong pinanaluhan kung maibabalita mo ito sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, at kapit-bahay?

Siguro ay hindi rin naman masamang maging madamot o tigagong nanalo ka sa lotto. Ang hindi maganda ay abusuhin ka ng mga tao dahil sa laki ng perang mayroon ka.


Siguradong may mga taong sasabihing kaibigan o kapamilya ka nila para lamang makakuha ng balato sayo. Mabuti na din sigurong magbigay ng kakaunting halaga basta wag lamang itong sosobra at magtira ka na lang ng para sa iyong sarili.


Kagaya na lamang ng isang millionaryong ito na nanalo sa lotto ng 158.4 million Jamaican Dollars. Marami ang nagulat sa ginawa niyang paraan upang hindi malaman ng mga tao na siya'y nanalo sa lotto.



Ang ginawa ng Jamaican na ito ay pinatagal niya ang pagclaim ng kanyang premyo para hindi makahalata ang mga kamag-anak at kaibigan niya. Umabot ng 54 na araw bago niya kunin ang kanyang premyo.


Sa araw ng pirmahan ay makikitang siya'y balot na balot sa puting tela at mayroong maskara na gaya ng sa pelikulang "Scream".


Pati ang kanyang tunay na pangalan ay hindi rin niya binulgar sa publiko at ang tanging nilagay lamang niya ay A. Campbell.


May matindi naman daw kasing dahilan si A. Campbell kung bakit niya ito ginawa. Hindi daw kasi niya nais ipamahagi ang kanyang premyo sa mga kamag-anak niyang sakim.


“Normally, I would write down the numbers from the draw, eat and then go and check my numbers”
“I looked at my ticket and ran into my bathroom and said : I won! I won!”
“I want to get a nice house. I haven’t found it yet, but I’ll be looking for one soon. I like to handle money. I don’t beg, I don’t borrow”
“So I’m looking things that can turn over the money. I have a little business, so I plan to make it bigger, buy an apartment. I love to have money”

Narito ang ilang mga reaksyon mula sa ilang netizens...





Anong masasabi niyo dito? Sa tingin niyo ba ay tama lamang ang ginawa ni A. Cambell na hindi balatuhan ang kanyang mga kamag-anak? Magcomment lamang kayo ng inyong mga saloobin...