Lloyd Cadena, Nagparamdam Sa Kanyang Ama na nasa Ibang Bansa


Nagbigay ng detalye ang ama ni Lloyd Cafe Cadena sa kanyang social media account kung paano niya nabalitaan ang pagkawala ng kanyang bunsong anak na si Lloyd.


Matatandaang nasa Middle East ang ama ni Lloyd na si Khalid Cadena dahil doon ito nagtratrabaho. Hindi makauwi ang ama ni Lloyd dahil sa napakahirap na sitwasyong nangyayari sa buong mundo ngayon.



Binahagi din ng ama ni Lloyd na nagparamdam daw sa kanya ang bunsong anak niya noong hindi pa niya alam na pumanaw na ito. Ito ang kanyang naging pahayag...



"Ang huling message niya sa akin sa messenger ay ipag-pray ko daw siya. Ang sabi ko naman, "anak di mo na dapat itanong yan dahil araw-araw ko kayong pinagp-pray. Inuuna ko kayo 5 times a day ako nagdadasal. Una kong pinapanalangin mga anak ko."




"Madaling araw nung Friday hindi na siya nagreply sa akin. Kaya pala iba ung pakiramdam ko sa trabaho nun."

"Parang hindi ko maintindihan. Tumataas yung balahibo ko. Tapos mamaya konti parang nakikita ko si Lloyd dun sa malapit sa makina ng aking inooperate."

"Na nakaupo siya. Parang yung upo niya kapag nageedit siya ng vlogs niya."



"Nung malaman ko natulala ako eh. Hindi ko maintindihan mga 2-3 minutes or more."

"Naka duty kasi ako nun sa planta. Parang nawalan ako ng lakas mga kabayan nung narinig ko yung sinabi ng anak ko."

"Kaya pala parang tumatayo yung balahibo ko nung tumawag yung anak ko. Sobrang iba may something, may something sa paligid ko, kaya kinausap ko nalang."

Nakakalungkot at nakakaiyak ang pagbabahagi ng ama ni Lloyd. Maraming netizen at fans ni Lloyd ang naiyak matapos nilang mapanood ang video ni Khalid Cadena.



Marami ngayon ang naghihikayat na magsubscribe sa YouTube channel ng mga magulang ni Lloyd na Biakid360 at Mother Kween Vlogs upang mabigyang supporta ang mga ito.



Ibinahagi ni tatay Khalid ang buong pangyayari sa kanyang Youtube account na BiaKid360. Masakit para sa ama ni Lloyd na hindi man lamang niya nayakap at nahalikan ang kanyang bunsong anak bago ito mamaalam.



Ang mas masakit pa rito ay hindi ito makakauwi ng Pilipinas dahil sa sitwasyon ng buong mundo ngayon. Isang dahilan din ay dahil senior citizen na si tatay Khalid kaya hindi ito basta-basta makakalipad papauwi ng Pinas.

Narito at panoorin ang video ng ama ni Lloyd...