Liza Soberano, pinalagan ang isang basher na nagsabing 'BOBA' ito


Hindi na nakapagpigil pa ang aktres na si Liza Soberano at pinatulan na niya ang isang netizen na tumawag sa kaniyang ng “boba”.


Kasunod ito nang pasita ng sikat na aktres at pagpapakita niya ng pagkadismya sa pagbibigay ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.


Si Pemberton ay ang Amerikanong sundalo na nakulong sa pagp@ tay sa isang transpinay na si Jennifer Laude.

Dahil dito, sa Twitter post naglabas si Liza ng kaniyang saloobin.


“So a [mu.rde .rer] was just released for good conduct. Are we supposed to just forget that he killed Jennifer Laude because he’s done some good?” post ng aktres na kasama ang hashtags na #JusticeForJenniferLaude #TransLivesMatter


Dahil dito, samu’t saring comment at reaksyon ang natanggap ni Liza at kabilang na dito ang sinabihan pa siyang “b0ba”


“Ang b0ba pala ng babaeng ito. Now naniwala na talaga akong acting lang ['yong] kunwaring matalino [siya],” sabi ng netizen.



Dagdag pa ng Netizen: “Stick to your craft girl. [Huwag] masyadong pahalata na wala kang alam sa basic comprehension on laws & current events," sabi pa sa replied tweet ni Liza.
Agad naman sumagot si Liza at “Ouch ang sakit nasaktan ako”.




Bukod kay Liza, maraming celebrities din ang nagpahayag mag kaniyang pagkadismya sa usapin ng pagpapalaya sa dayuhang sundalo.