Kaibigang di napautang ng 10k pang lechon,cake at catering, galit na galit at minura ng kaibigan

Isang netizen na di pinautang ang kanyang kaibigan, pinagmumura at galit ang natamo sa kaibigan niya.

Viral ngayon sa social media ang naging pahayag ng isang netizen na si Wina Dalaorao tungkol sa pangungutang sa kaniya ng kaniyang kaibigan.

Sa post ni Wina, ibinahagi niya ang conversation nila ng isa niyang kaibigan kung saan makikitang umuutang ito ng halagang sampung libong piso para mayroon umano itong pang handa sa 1st birthday ng kaniyang anak. Naaawa raw ang kanyang kaibigan sa bata dahil wala itong maihahanda sa birthday nito.

Kaya plano niyang ibili ang 10k ng lechon, cake o kung hindi man ay sa catering services. Dagdag din nito na maliit lang daw para kay Wina ang hiningi nitong pabor dahil sa laki ng sahod niya sa trabaho at isang seaman pa ang ama nito.



Plano raw ng kaibigan ni Wina na gamitin ang P10,000 para ipangbili ng lechon, cake, o ipang catering service na lamang raw. Sabi pa nito, maliit lamang daw na halaga ito para kay Wina dahil malaki naman raw ang sahod niya sa trabaho at seaman pa raw ang ama ni Wina.

Laking gulat ni Wina kaya sinagot niya ang kanyang kaibigan. Malaking halaga raw ang sampung libo ayon kay Wina at hindi raw nito alam kung saan nito hahagilapin ang ganun kalaking halaga para ipautang sakanya.

Pinaliwanag na lamang ni Wina sa kaibigan niya na kung maari ay simpleng handaan na lamang raw ang gawin ng kaibigan niya.

Pero nagpumilit pa rin ang kaibigan ni Wina na kukuha raw sila ng catering service at sa dami raw ng mga inimbita nito ay hindi sapat na kokonti lamang ang kanilang handa. Hindi raw maaring simple lang ang gawin.

Ipinaliwanag pa rin ng maayos ni Wina sa kaibigan niya na maging kuntento na lamang raw ito kung ano ang kaya nitong ihanda at sabi pa niya, wag na lamang daw intindihan ang inimbita dahil mas importante raw ang anak nito na siyang ipaghahanda.



Hindi na nakapagpigil ang kaibigan ni Wina at nagalit ito dahil hindi siya napautang. Sinabihan pa niya si Wina na parang kung sino raw itong mayaman at ininsulto pa nito ang itsura ni Wina.

Hindi pa nakuntento ito at pinagmumura pa niya si Wina at sana raw ay mamatay na lamang daw ito. Dagdag pa niya, lahat daw ng kung ano ang meron siya ngayon ay kukuhanin daw sakanya.

Ito ang naging buong pahayag ni Wina:



I dont want to post this but you provoke me to do such thing and (dumadami na ang ganitong mga tao!)

Fyi, (hindi ako nagtatrabaho para lang ipahiram ang sahod ko para may pang pa LECHON, CAKE at CATERING ka.)

Regardless if how much is my salary its either big or not its none of your business if how im gonna spend my money cos ive worked hard for it. 

Anong masasabi niyo sa kaibigan ni Wina? Naranasan niyo na rin ba ito o mayroon kayong kaibigang ganito? Magcomment at ishare niyo lamang ang inyong mga saloobin...