Kaibigan, binayaran pa rin ang utang kahit 5 taon na ang nagdaan...


Ito ay talagang isang malungkot na katotohanan na maraming mga relasyon, maging ang mga pagkakaibigan o pamilya, na nasira dahil sa mga bagay tungkol sa pera. Isa din sa malaking dahilan ng pagbagsak ng isang tao ay dahil sa dami ng utang nito.


Ngunit minsan ang nakalulungkot na ang mga taong nagpapahiram ng pera sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak ay ang nagiging 'masamang tao' tuwing susubukan nilang singilan ang may utang.


Minsan ay nauuwi pa ang sa pagkakalimutan ng pagkakaibigan nang dahil lamang sa isang maliit na halaga.

Iniisip din ng iilan na hindi nila kailangang bayaran ang kanilang kaibigan dahil iniisip ng mga ito na hindi naman nila kinakailangan pa ng pera dahil marami naman itong ipon.


Ang iilan naman ay nahihiya sa kanilang mga utang kaya mas pinipili na lamang nilang kalimutan ang mga ito.

Ngunit mayroon pa ring mga taong kahanga-hanga at nakakahanap pa rin ng mga paraan upang mabayaran ang kanilang mga utang. Gaano man ito ka liit o kalaki, kahit ilang tao na ang lumipas mula noong manghiram sila ng pera, pinapalitan pa rin nila ito at binabayaran.


“Hindi pa huli ang lahat… Matuto tayong magbayad ng utang… As the saying goes ‘Ang sikreto sa pag-asenso ay ang MAGBAYAD NG UTANG,’”



Ayon kay Atiz Sapa, na nagbabahagi ng larawan ng isang note mula sa isang nagngangalang 'Win' na nagbayad ng utang 5 taon na ang nakakaraan! Wow!
Maraming mga netizen ang humanga na ang kaibigan nito ng nagbayad ng utang kahit sobrang tagal na nito at kahit na ito ay "Php500" lamang.

Anong masasabi niyo dito? May kaibigan ba kayong ganito? Ibahagi niyo ang inyong mga saloobin sa comments...