Isang bata pilit na pinagigising ang ama niyang namayapa.


“Papa!! Gising kana!!!”

Ito ang nakakalungkot na sinabi ng isang batang nawalan ng isang ama at pinipilit niyang gisingin ang kanyang ama mula sa kabaong nito.


Sobrang hirap at sakit talaga ang mararanasan natin kung mawawalan tayo ng mahal sa buhay lalu na kung ito'y magulang natin. Ang hirap magsimula ulit at parang laging may kulang.


Katulad na lamang ng isang post na nagviral sa social media at pinaiyak ang napakaraming netizens. Ang post na ito ay isang larawan ng isang batang pilit na ginigising ang kanyang amang maagang nawala sa mundo at akala lamang ng bata ay tulog ang kanyang ama.




Ang netizen na nagpost na ito ay si Julie Ann Balonzo at sakanyang post, makikita ang isang larawan ng bata na nakahiga sa kabaong ng ama niya at parang ginigising ito.


Akala ng bata ay mahimbing na tulog lamang ang kanyang ama, ngunit sa kadahilanang bata pa ito, hindi pa niya naiintindihan na hindi na niya muling makakasama o gigising pa.




Saad ni Julie Ann sa caption ng kaniyang post:

“Kapatid ko gising ka na daw sabi ng anak mo oh. πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ’”πŸ’”πŸ’””


Maraming netizen ang naiyak sa post ni Julie Anne at agad itong kumalat sa social media, umani ng sandamakmak na reakson at comments mula sa mga netizens.

Narito at basahin ang ilang kumento nila:

“😭😭😭 Sakit isipin. Isang batang wlang kamuwang muwang. Iniwan na ng ama nyaπŸ™. Take care baby. Pakabait ka”

“grabe talaga iyak ko, kapag nakakakita nitoπŸ˜­πŸ’” Sobrang sakit, maiwan mga minamal sa buhay. condolence sayo baby and sa family mo😭”
“condolence po 😒😒 nakakadurog ng puso napakaliit pa ni baby walang kamuang muang na wala na ang papa nya 😒😒”

“Nakakadurog πŸ’”πŸ’” tingnan yung ng wlang alam n kailan mn d na magigising pa ang kanyang ama.. patatag baby God will guide you always.. Godbles..Condolence to the family..”

Anong masasabi niyo sa batang ito? Naranasan niyo na rin bang mawalan ng mahal sa buhay? I-share niyo lamang ang inyong mga karanasan o reaksyon sa comments...