Idol Raffy Tulfo Nakahanap na ng Katapat Niya?


Viral ngayon sa ssocial media sites ang video clip ng sagutan ni Idol Raffy Tulfo at P.Col. Rodel Pastor, Chied Of Police, Las Pinas PNP.

Sa video, sinabihan ni Sir Raffy Tulfo ang si P.Col. Rodel Pastor na "You're a weak leader." Ito ang naging dahilan kung bakit nagkasagutan ang dalawa.


Sa unang parte ng video, isang babae ang humihingi ng tulong kay Sir Raffy Tulfo para makuha ang 7 years old nitong anak sa dating kinakasama nitong pulis.



Ang babaeng ito ay si Jona Paula Castro. Una na itong nagpost sa kanyang Facebook account at nais niya umano mabawi ang anak niya sa tatay nitong pulis na si PLTCOL. Yahya Bustamante Yusup ng Southern Police District Las Pinas City.
Ayon sa post ni Jona, nagpunta daw si PLTCOL. Yusup sa kanilang bahay sa Rizal noong July 5, 2020 upang hiramin ang anak nito dahil birthday daw ng isa nitong anak na anak niya sa kinakasama nito ngayon.



Pumayag naman daw si Jona at sinabing isang linggo lamang niya ito ipapahiram at ibalik na niya ito pagkatapos ng isang linggo.

Pumayag naman daw ang si Yusup sa gusto ni Jona ngunit makalipas ang isang linggo, nagtext umano si Yusup kay Jona na "sa sunod na lang kami punta medyo bitin pa bonding namin." mga bandang 2:42 ng hapon noong July 12, 2020.



Tinawagan ito ni Jona at nag-usap daw sila hanggang sa wala na umano itong nagawa at pumayag na lamang siya na sa darating na linggo, July 19, 2020 ay iuwi na niya ang bata.

Noong July 19, 2020, mga bandang 8:37am ay natext muli si Jona upang ipaalala kay Yusup na iuwi na ang anak nila dahil dalawang linggo na itong namimiss ni Jona. Muli daw itong nagtext at call mga bandang 11:35am ngunit hindi na daw sumasagot si Yusup.

Bandang hapon na ito nagreply at sinabing hindi daw siya pwede at sa susunod na lamang daw nito ibabalik ang bata. Nagalit si Jona dahil dito dahil para daw umaabuso na si Yusup.

Dahil sa problemang ito, humingi ng pabor si Sir Raffy kay P.Col. Rodel Pastor.

Inassist naman daw ni P.Col. Rodel Pastor si Jona at pinasamahan pa daw nito sa WCPD nila kung ano ang dapat gawin. Napagdesisyonan daw ng kampo ni Jona na magfifile na lamang daw ito ng kaso laban sa dati nitong kinakasama para mabawi nila ang kanyang anak.



Ngunit matapos ang pahayag ni P.Col. Rodel Pastor, sinabihan ni Sir Raffy Tulfo ito ng "Sir. Sorry Sir ah. You're a weak Leader. I'm sorry sir but you know why? You know better as Cheif of Police na mayroong ginawang masama, mali yung tao, short of saying nagkid-n@pped ito ng bata."



" Una sa lahat hindi sila kasal, pangalawa ang nagpalaki ay itong si nanay. Ang then pumunta itong tao mo, bata mo, kay nanay para hiramin lang daw yung baby and then tinangay na."



"Right there and there may ginawa ng kr!men. And yet di mo kaya? Yung bata mo? sabihan mo itong tao ngayon na magfile na lamang ng kaso? You're very weak. Bat ka naging chief of police?"



Sumagot naman si P.Col. Rodel Pastor kay Sir Raffy, "Eh bat ako naging weak eh yun naman ang tama ah?"



"No sir. You know why? Because if I were in your situation, I could have said to the guy, "hey, halika dito bata. mali yung ginawa mo. tayo dapat ang nagse-set ng good example dito dahil tayo ang takbuhan ng mga inaapi." Sagot naman ni Sir Raffy.

Ayon naman kay P.Col. Rodel Pastor, madali lamang daw itong sabihin ngunit may sinusunod lamang daw silang proseso.

Narito at panoorin ang buong sagutan ni Idol at ni P.Col. Rodel Pastor.


Narito naman ang ilang comment ng ilang netizens...






Anong masasabi niyo dito? Sino ang tama saknilang dalawa? Magcomment lamang kayo ng inyongmga saloobin...