Customer, Pinagmumura at Pinagbantaan ng Isang Delivery Rider


Isang post ng isang Food Panda customer ang viral ngayon sa social media matapos siyang bantaan at harap-harapang murahin ng delivery rider dahil late na itong napick-up sa lobby ng building kung saan siya naninirahan.
Ang netizen na ito ay si Ace Hackett Mercado. Binahagi niya ang isang pangyayaring hindi niya inasahan sa isang rider ng Food Panda. Galit na galit umano ang rider dahil pinaghintay niya di umano ito ng matagal.
Inamin naman ni Ace na medyo late nga siyang nakababa ng building dahil inuna niya daw muna ang kanyang anak.

"this happened today after I ordered food from foodpanda (the rider called me at 11:49, told him okay bababa na ako saglit lang because I have my kid with me, I was at the lobby by 11:59, was about 10 minutes late, my bad)," sabi niya.

Dahil dito, nagulat siya sa inasal ng delivery rider dahil naghihimutok daw sa galit ang rider. Hindi na napigilan ng rider ang kanyang emosyon at pinagmumura at pinagsisigawan na siya nito habang bitbit niya ang kanyang anak.
"Sumunod pala si rider sa loob and threatened me and nagsisigaw na sa loob, nagpigil ako because I had my baby with me,"

Natakot daw siya dahil nagbanta pa di umano ang rider na may nilagay siya sa mga pagkaing inorder ng customer.

"Kainin niyo yung cake. Malasahan niyo sana,"


Narito ang buong post:
what will you do if the food rider who delivered your food told you that he had put something on your food? 😳

this happened today after I ordered food from foodpanda (the rider called me at 11:49, told him okay bababa na ako saglit lang because I have my kid with me, I was at the lobby by 11:59, was about 10 minutes late, my bad)

I was late and missed his succeeding calls because
1. I had to attend to my baby who’s crying
2. I had to wait for the elevator that works at a limited capacity

when I was downstairs, the rider was gone so I called him. he started ranting on the phone blaming me for being 10 minutes late. so rant lang siya ng rant, I got pissed and asked him anong oras siya makakabalik dahil I have my baby with me, told him to just deliver my order because I already paid for it. bumalik naman siya but when he’s about to leave I heard him say ‘so okay na tayo sir... gag0!

ay nagpanting ang tenga ko so I replied back and cursed him too. went back inside the building with my baby not knowing na sumunod pala si rider sa loob and threatened me and nagsisigaw na sa loob, nagpigil ako because I had my baby with me, then the guards came (yes they came late parang sa pelikula)

the threats didn’t stop there, he kept on sending me messages, called me ‘panot’ for countless times which is totoo naman so okay, happy ka? but he threatened me na wag daw akong bababa talaga ba? and that he had put something on the food that I ordered 😳

so nireport ko sa foodpanda (via email, chat and fb), asked for the rider’s name because ipa-blotter ko sana but as expected I only got the usual PR response from them 🤷🏻‍♂️

#Foodpanda #FoodpandaPH #Panot #PanotNaCustomer






Halo-halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa post na ito. Narito ang ilan sa mga comment nila.











Anong masasabi niyo dito? Tama lang ba ang ginawa niya? Mag comment lamang kayo sa ibaba: