China Roces May Binulgar Matapos Ipost Ni Tim Sawyer Ang Isang CCTV Footage


Bumwelta agad sa social media si China Roces matapos siyang akusahan ng kaniyang kinakasama niyang si Tim Sawyer.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, binulgar ni China na set up lamang daw ang nangyari at ginawa lamang daw ito ni Tim para masira ang kaniyang imahe sa publiko.


Ito ay matapos ipost ni Tim ang isang CCTV footage na kuha umano kagabi sa kanilang bahay.

Dahil kamakailan lamang, nagpost ng isang CCTV footage si Tim. Sa naturang video, makikita ang pagtatalo ng dalawa at ang pagkuha ni China ng video kay Tim gamit ang cellphone nito na gagamitin umano nitong panakot sa kanya.



Ayon kay Tim, pinuntahan niya si China upang ibigay ang hinihingi nitong P300,000 mula sa kinita nila sa kanilang mga videos.

Ngunit nagalit umano si China nang ibigay niya ang pera sa harap ng ibang tao at nang papirmahin niya ito sa isang kasulatan para hindi raw nito mai-deny ang pagbibigay niya rito ng pera.

Bwelta naman ni China, ginamit lamang ito ni Tim upang masiraan siya sa publiko.



Lumalaban na lamang daw siya para sa kanilang anak ni Tim, giit pa ng model/vlogger. Ayon pa kay China na hindi pera ang kailangan niya kung 'di ang pagmamahal ng isang asawa at ama sa anak na 'di raw naibigay ni Tim.



"Hindi pera ang kailangn ko! Yung tunay na pagmamahal ng isang asawa at ama ng anak ko na hindi mo pinakita sakin mula ng nagkapera kana," anito.

"Ngaun masaya kana?? Nabaliktad mo na ako..Kung talagang mahal mo kami hindi mo yan gagawin..Yung i setup ang cctv at bbgyan aq ng pera at papipirmahin para iset up at siraan ako," sabi pa ni China sa kanyang FB post.

Narito ang buong post ni China:



Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa. Isang kaibigan naman ni China ang agad na nagsiwalat ng kanya raw nalalaman ukol sa mainit na isyu.

Samantala, niliwanag din ni China ang tungkol sa isang model/vlogger na nabanggit niya sa kanilang kontrobersyal na FB Live.

Narito ang ilang mga comment mula sa ilang netizens..



Anong masasbi niyo dito? Magcomment lamang kayo sa ibaba...