China Roces Hindi Raw Totoo Ang Luha sa RTIA Ayon sa mga Netizens


China Roces, ipinatulfo si Tim Sawyer dahil nais daw nitong magkaroon ng hati sa mga kinikita ni Tim sa pagvlovlog.



Dahil laman nga ng social media sites ang magpartner na si Tim Sawyer at China Roces, umabot na ang dalawa sa programang Raffy Tulfo in Action.

Sa unang parte ng programa, isiniwalat ni China ang estado ng kanilang buhay noong bago pa lamang sila ni Tim.

Sinabi ni China na hindi daw nagbibigay ng pera si Tim kahit kumikita na ito. Nagiba raw ang ugali ni Tim simula daw ng sumikat ito at ito raw ang inirereklamo ni China sa programa. Binanggit din ni China ang P100,000 na hinihingi niya kay Tim.



Matapos magsalita ni China, binigyan ni Sir Raffy Tulfo ng pagkakataong magpaliwanag ni Tim Sawyer.

Mahinahong nakipagusap si Tim at humingi pa ito ng pasensya kay Idol Raffy dahil sa dramang nangyayari sakanila.

Ibinigay na raw ni Tim Sawyer ang P100,000 at nagkaroon na sila ng pirmahan ni China.

Makikita sa video na habang nagsasalita si Tim para depensahan ang kaniyang sarili, sinasabayan ito ni China kaya't hindi naging malinaw at maayos ang paguusap nila.



Tinanong ni Sir Raffy kung ano ba talaga ang nais mangyari ni China. Kung gusto ba ni China na magbalikan sila o magbago ang kanyang partner.

Sumagot naman si China na nais din daw niyang magkaroon silang hati sa kinikita ni Tim dahil lumalabas raw siya sa mga video nito.



Makikita sa video na pati si Sir Raffy Tulfo ay naguguluhan sa mga nais mangyari ni China. Nagfocus na lamang si Sir Raffy Tulfo sa nais ni China na 50-50 hati sa kinikita ni Tim.

Depensa naman ni Tim, binibigay naman daw lahat ni Tim ang mga kinikita niya kay China. Wala din daw katotohanan ang mga sinasabi ni China sa mga tao na parang si China ang bumubuhay kay Tim dahil hindi pa man daw sila magkakilala ni China ay nasa social media na raw siya at kumikita na rin daw siya noon.

Noon  pa man daw ay gumagawa na ito ng mga video sa social media at nagviviral ang mga ito. Ngunit ng magkakilala daw sila ni China, pinagbawalan na raw siya na gumawa ng mga "kilig" videos at makipagcollab sa iba. Sinunod naman daw ito ni Tim at hindi naman raw niya pinipilit si China na sumama sa video.



Humina na rin daw ang kita ni Tim matapos itong pagbawalan ni China dahil nagseselos ito. Ito raw ang naging dahilan upang hindi makapagbigay ng sapat na pera si Tim.

Tinanong naman ni Idol Raffy kay Tim Sawyer kung bakit naghiwalay sila ni China.




Ayon kay Tim, hindi naman daw sila naghiwalay ni China, umalis lamang daw ito sa bahay dahil ayaw lang daw niya magkipag-argue at dahil raw sinasaktan daw siya ni China physically. Hindi naman daw ito nilabanan ni Tim dahil alam daw niya ang batas.




Makalipas ang ilang minuto, gusto naman daw kasuhan ng child ab use ni China si Tim. Ngunit hindi naman daw ito applicable ayon kay si Raffy.

Sa huli, inireffer na lamang ni Sir Raffy si Tim at China sa isang lawyer para mapagusapan at magkaroon ng kasulatan tungkol sa mga kinikita ng magpartner sa mga videos nila.

Sinubukan din ni Idol na pagayusin ang dalawa ngunit hindi na raw gusto ni China makipagbalikan kay Tim.

Anong masasabi niyo sa dalawang ito? Magcomment lamang kayo ng inyong mga saloobin..

Narito at panoorin ang buong episode.