Babae Ipinagpalit ang 3 taong BF sa Mayamang 3 Buwan Pa Lang Nakilala


Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng isang lalaki na nakilala bilang si Jom Tasani, kung saan ay ibinahagi niya ang masaklap na pangyayari sa kanilang relasyon ng kanyang ex-girlfriend.


Ayon kay Jom, tatlong taon na silang nagsasama ng kanyang girlfriend na si Camie Alcaraz pero nagawa pa rin itong ipinagpalit siya sa isang lalaking tatlong buwan pa lamang niya nakilala.
"Salamat sa tatlong taon. Nging masaya ko. Pero sa dulo non naging malungkot ang pangyayare. Godbless na lang sayo."



Sinalaysay ni Jom, nagkaroon daw kasi ng magandang opportunity si Camie upang makapag-trabaho sa abroad (Macua) para makatulong sa kanyang pamilya at sinuportahan ni Jom ang piniling desisyon ng kanyang girlfriend.


Ilang buwan ang lumipas, bigla na lamang naging "cold" itong si Camie hanggang sa nagkalabuan na sila at tuluyang nagkahiwalay.


Sumama lalo ang loob ni Jom dahil nalaman niyang buntis pala ang kanyang girlfriend, dalawang buwan pa lamang bago sila maghiwalay.




Hindi pa dito natapos ang pinagdaanang sakit ni Jom dahil nabalitaan pa niya na ikakasal na pala si Camie sa isang mayamang lalaki na nakabuntis sakanya.





"Laking gulat ko na lang sa mga balibalita na ikakasal ka na. Sobrang bilis lang. Yung feeling na parang naset up ako ng tatlong taon. Ganon naramdaman ko. Sobrang sakit."


Narito at basahin ang buong post ni Jom:
"Pinost ko to para sa ikatatahimik at ng lahat. Hindi po ko nnghihingi ng simpatiya sa kahit na sino.

"TATAPUSIN KO NA, Para MATAPOS na.

"Ps. Di po ako nagpifeeling pogi haha. And di rin po ako masamang tao. Maraming nakakaalam niyan.
"3 TAON vs 3 BUWAN

"Buntis at kasal na sila ng 3months niyang nakilala

"DEAR CAMIE ALCARAZ

"Ikaw na nga mali, ikaw pa nagmamalaki.

"Madami nagtatanong sakin kung ano nangyare, maraming nagulat kung bat tayo naghiwalay, eto na magsasalita na ko. Dahil mas lalo akong napupuno sa sinasabi mo.


"Unang-una sa lahat, wala akong ginawang masama.

"December 2018- hinatid pa kita sa macau with your fam para magbakasyon, thankyou kasi sinama mo pa ko and thank you din sa mommy and daddy mo dahil di nila ko pinabayaan don. Regards sa mga tito at tita mo don.
"Nagkarron ng opportunity na magkawork ka don. And big opportunity yon for you kasi makakatulong ka na sa kanila. Full support ako sayo at sabi ko po na i grab mo na agad yung opportunity dahil minsan lang yon.

"Umuwi ako mag-isa ng pinas ng masaya dahil may work ka na. And malaking tulong yon for you in the future and malay natin para satin din. At the same time malungkot dahil di na kita kasama.
"Daming tukso lumapit sakin pero di ako nagpatinag mas inisip kita at dahil mas pinili kita sa lahat ng bagay.



"Lumipas mga ilang buwan okay naman tayo, gabi gabi kitang hinihintay sa work mo. Kahit puno din sched ko sa pagsasayaw at pag asikaso sa Bandido, di ko yun sinusumbat pero dumating sa point halos napapabayaan ko na yon dahil gusto ko pabor yung oras mo sakin.
"Dumating sa point na madalas tayo di magkaintindihan, dahil sa time. Never akong nagreklamo at nanghingi ng oras sayo. Dahil naiintindihan ko naman kapag overseas ang hirap balansehin ng oras. Pero Naisingit mo pang MAGLOKO.

"Fast forward tayo.
"Naging cold ka ng humigit 1 linggo, sobrang naguguluhan ako pero pilit kong inintindi. Dumalas din paglabas mo, paggimik at pagsama sa mga kaibigan mong (konsintidor) pero yan ang totoo. Brinought up mo sakin na gento ganyan sila papasakop karin pala.

"Halos kada day off ganyan nangyayare.



"Wala namn ako magagawa kahit pagbawalan or payagan kita. Malaki ka na. Alam mo naman mga ayoko at gusto kong mangyare.
"After kong maging cold di ka na nagparamdam. Mukhang akong tanga di ko alam nangyayare, sagot mo lang lagi kang pagod sa trabaho. Pero hindi napagod sayo. Lumaban ako kasi naiintindihan ko yung hirap ng buhay diyan. Pero nagulat ako sa mga pangyayare.

"NAPAKALALA NG NANGYARE

"2 months before tayo maghiwalay BUNTIS ka pala, wag mo na tanungin kung kanino ko nalaman. Pero sobrang tinarantado mo ko sa part na to. Kaya di mo rin ako masisi bat ganto kasama loob ko sayo. Sa sobrang sama ng loob ko andami kong naiisip na maduming gawain pero nagtimpi ako.

"Ni hindi ko rin narinig sayo na umamin ka saking buntis ka. Matagal mo na pala kong niloloko. Yung sobrang galit ko napalitan ng awa dahil mas inisip kita. Dahil humihingi ka ng tulong sakin. Sinabi mo pa na uuwi ka na lang dito tas magsimula tayo ulit sa malayong lugar. Sa sobrang pagmamahal ko sayo muntik ko pa yong ilaban.


"Tinanong kita, about diyan. Hindi ka makasagot. Sabi mo hindi ka naman lasing nung nangyare yon. Tinanong kita kung gusto mo ba yung tao? Sabe mo hindi? Odiba? Alanganin ka na sa sagot mo.

"Laking gulat ko na lang sa mga balibalita na ikakasal ka na. Sobrang bilis lang. Yung feeling na parang naset up ako ng tatlong taon. Ganon naramdaman ko. Sobrang sakit.
"Hindi ako nakikipagkompetensya sa inyo at sa asawa mo na ngayon. KASAL KA NA. I pray sana maging healthy yang baby nyo, Sana di danasin ng magiging anak mo to. Sana healthy lumabas yang baby.

"And sa asawa mo. Alagaan mo yan tol. Never kong sinaktan yan. Maaaring nagkulang ako sa yaman o materyal na bagay pero di ako nagkulang sa pagmamahal. Nangangarap palang ako maging successful ngayon bata pa ko.


"Di kita masisi kung yan ang pinili mo. Tao lang tayo nagkakamali. Sana lang natuto ka. Sana tanggapin mo yung pagkakamali mo at hindi ka magmalaki na ikw pa yung biktima. Ginusto mo yan kaya nangyre yan. Ikaw nagdesisyon ng patutunguhan mo. Sino ba naman ako para kontrolin ka.
"Salamat sa tatlong taon. Nging masaya ko. Pero sa dulo non naging masalimuot ang pangyayare. Godbless na lang sayo.

"Nagpapasalamat din ako sa pamilya na sobra sobra yung pagmamahal sakin. Sa comforts at sa walang sawang suporta. Hindi ko na isisiwalat lahat. Gusto ko lang malinawan lahat dahil naiistress ako sa mga tao kakatanong dahil naguguluhan na sila.

"Godbless Sana wag kayo maglokohan. Tuloy nyo na hanggang dulo yan. Best wishes
"Nagmamahal Bandido

"Ps. Di lahat ng lalaki nagloloko minsan kami pa yung naagrabyado ng sobra. Kaya sana maging lesson to para sa lahat.. di sana mangyare to sa iba.

"Oh ayan iwas tanong na kayo na humusga

"Godbless sa inyong lahat. Mgiging okay din ako. Wag kyo mag-alala.

Ang post ay umani ng maraming reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sakanila: