Babae, Humanga Sa Pagka Gentleman ng Lalaking Ito Sa Jeep


Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang magandang karanasan sa loob ng isang jeep. Viral ngayon ito sa social media dahil maraming natuwa sa ginawa ng lalaking ito para sa isang netizen na nagngangalang Clouie Basinang.
"Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw."- saad ni Clouie.

Ayon kay Clouie, naka-dress daw siya noong oras na iyon pero hindi naman ito masyado kaiksian at above knee naman daw ito kapag nakatayo kaya hindi naman daw malaswa tingnan.

"Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo."aniya.
Nung una daw ay tinanggihan ni Clouie ang lalaki at humingi ng pasensya at sinabing aayusin na lamang daw niya ang kanyang pagkaka-upo.

Ngunit nagpumilit pa rin ang lalaki na ipahiram ang kanyang dalang uniform upang magpaka-gentleman.



Bibihira na lamang ang mga ganitong lalaki at kadalasan ay nakikita natin sa social media na puro bastos na lalaki ang napopost sa social media sites.

Ngunit ngayon, pinatunayan ng lalaking ito na hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho.

"At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob."- Ayon kay Clouie.


Ito ang naturang Post ni Clouie,
"Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw. Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo. At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob."

"Ps. Baka ayaw niya lang nakikita yung pata ko? Hahahaha"


Narito naman ang ilang reaksyon ng ilang netizens sa kanyang post:






Anong masasabi niyo sa lalaking ito? Comment lamang kayo sa ibaba.